Saturday, 4 October 2008

insomniac?

Hindi na naman ako makatulog, nakakainis. Kaya eto babad na naman ako sa internet. Kahit na sobrang pagod na pagod na ako.. galing pala ako ng trabaho, btw. Grabe, nakakapagod sobra.. ilang beses pa ako napagalitan nung mangager ahahaha. Hindi daw pwede 'yung sorry sorry lang, haha. Buti na lang andun si Ate Racquel at least super fun, ang kulit kulit kasi niya.. sobrang enjoy tuloy. :p So, the manager asked me kanina if I'd be able to work tomorrow sabi ko hindi kasi hangout kami kina Jon bukas eh so Sunday na lang daw.. Magttrain pa si Kathrine din ng Sunday from 7pm-10 so mas okay na din daw 'yun. I should be with my friend daw. :p

Nag-fry station pala ako kanina.. Infairness, mas okay dun hindi nakakapressure masyado. Loload ka lang ng fries, lulutuin mo, hintay ng 3 minuto, lagyan ng salt, tapos large, medium or small ba. Ganun lang. Pero nakakapagod nga lang sa arms. HAHAHA. Lahat na nireklamo diba? :p Basta, nakakapagod pero nag-enjoy naman ako kahit papano kanina. :)

So ayun nga, hindi nga ako makatulog. Masakit na mata ko ha, pero kapag pumikit naman ako.. syempre 'yung utak ko kung san san na naman mapapapunta.. aabot ng Pilipinas na naman. HAHAHAHA. Kaya dahil ayokong mag-emote masyado eh eto manunuod na lang ako ng Heroes o kahit anong mahang mahanap sa Surfthechannel. Kachat ko din pala si Augustus soo, may karamay ako sa lungkot at saya. :p HAHAHA!

Hay nakuu, naiinis kasi ako sa sarili ko. Patay na talaga kung babaliw baliw na naman ako. HAHAHAHA. Pero okay lang, 'bahala na' -ang gasgas ko ng linya. *bow*

KASI NAMAN EH!!!!!

:)

So bukas, punta kami kina Jon sa may Putney.. tapos baka inuman din 'yun or something. Babangag-bangag na naman ako panigurado. :p Naku, baka magsuka na naman ako ng 2 beses well, sabi nila tatlo pero 2 lang talaga naaalala ko. HAHAHA. At baka mauntog na naman ako sa may rail. :p Fyi, hindi naman ako lasinggera eh. Promise. :) Mag-aaral na lang ako dun bukas, dadalhin ko things ko sa school. :p Kelangan ko ng mag-focus parang walang pumapasok sa utak ko kundi anoo laaang.. KASII! :p

O siya, sige na.

Pahabol lang..
1. Ang laki na ng eye-bags koooo, lagi na lang akong puyaat :( tapos ang sakit pa ng ulo ko dahil sa colds at cough :(

2. iPhone ba o Lg Env?

3. Tapos eto pa, grabe rip-off 'yung Globe roaming dito.. £10 with 300 load?? Ano kaya 'yun. Ang mahal sobra, kaa papamail na lang ako from Pilipins. :)

No comments: